^

PSN Showbiz

Nora binabantaan na hindi kakausapin ang katrabahong hindi makaarte

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nanay Nora kung tawagin ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales si Nora Aunor. Marami ang nagri-react kapag narinig ito dahil parang lumalabas na napakatanda na ng Superstar kahit na mas nakatatanda kay Jeric ang maraming anak ni Nora tulad nina Ian de Leon, Lotlot de Leon, at Matet de Leon. At maski siguro ang nakababatang sina Kiko Villamayor at Kenneth Villamayor. And Nora doesn’t mind. Katunayan siya ang nag-encourage para tawagin siyang Nanay Nora ng  batang aktor na parang anak na rin ang turing niya.

Itinuturing ni Jeric na napakasuwerte niya na mapabilang sa cast ng Dementia ni Nora. At kahit ninenerbyos ay tinatagan niya ang loob niya nang unang magka-eksena sila. Sa sobrang kaba niya ay nakainom siya ng limang tasa ng kape at isang shot ng vodka bago sila sumalang sa camera. Pero hindi nito natanggal ang kaba niya kaya kahit nahihiya ay nagsabi siya sa magaling na aktres na hindi talaga niya alam kung paano niya gagampanan ang role niya kaya tinulungan siya nito.

Hindi lamang kay Jeric naging mabait si Nora. Lahat ng kasama niya sa  movie ay tala­gang inalalayan niya. At kahit hindi siya kasama sa eksena ay narun siya para sila gabayan. Gaya ni Althea Vega na hindi maka-emote nung una siyang sumalang sa kamera. Wala silang eksena na magkasama ni Nora dahil role ng batang Nora ang ginagampanan niya. Pero nang nakita  ni Nora na nahihirapan siyang maglabas ng tamang emosyon ay nilapitan siya nito, hinawakan ang kanyang mga kamay at sinabihan na gawin niyang mabuti ang eksena niya dahil kung hindi, ay hindi na siya nito kakausapin hanggang sa matapos nila ang pelikula.

Intimidated din naman at overwhelmed si Jasmine Curtis-Smith na nakatrabaho ang itinuturing niyang isang legend. At one point ay kinailangan niyang isigaw ang kanyang dialogue para matanggal ang kaba niya.

Si Yul Servo naman na third time nang nakakasama si Nora sa trabaho at minsan ay naging leading man na rin ng Superstar ay nahihiya pa rin. Pero dito sa Dementia ay nawala ang hiya niya lalo na nang makasama  siya nito at ni Bing Loyzaga sa paggu-good time sa mga kasamahan nilang artista at produksyon.

Allen nakasungkit ng kauna-unahang international best actor

Hindi sa inaasahang indie movie niyang Kamkam na idinirek ni Joel Lamangan itinanghal na Best Actor si Allen Dizon sa 9th Harlem Internatio­nal Film Festival na ginanap sa New York City kundi sa Magkakabaung (The Coffinmaker) na gawa naman ni direktor Jason Paul Laxamana. Masaya ang aktor dahil kauna-unahan niya itong international award kahit pa hindi niya solo ang karangalan dahil may ka-tie siyang Indian actor, ang batang aktor na si Minon para sa pelikulang 101 Chodyangal. Nanalo namang Best Film ang Kamkam sa nasabing filmfest. Ang dalawang pelikula ay ipinalabas din sa Montreal World Film Festival na ginanap sa Canada.

Tambalang Manolo-Janella nagswak

Mukhang nakatagpo ng katandem si Janella Salvador kay Manolo Pedroza, ex-PBB (Pinoy Big Brother) housemate sa katatapos na PBB All In. Matapos silang magtambal sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ay balak silang pagsamahing muli ng ABS-CBN sa seryeng OMG. Isa si Manolo sa hinulaang makakabilang sa Big 4 ng PBB All In na katatapos pa lang. Marami ang nabigo nang maaga siyang natanggal. Marami rin ang nagtaka nang mabigyan siya ng role sa MMK, pero pinatunayan niyang may “k” siya at kaunting hasa lamang ay makakasabay na siya sa maraming kabataang baguhan ng network.

vuukle comment

ALL IN

JERIC

MARAMI

NANAY NORA

NIYA

NORA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with