Aktor may ibinabahay daw na estudyante, nabuko pa raw ng asawa
SVA (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Aware kaya ang isang showbiz couple na iniintriga silang hiwalay na raw dahil nahuli ni aktres na may ibinabahay ang asawang aktor na isang estudyante?

At ang naninira, nag-i-email ng kung anu-ano at sinasabing may ebidensiya raw siya. May mga messages pa siyang ‘yun daw ang palitan ng conversation ni aktor at ang sinasabing babae na itinira niya sa condo.

Nahuli na raw ni misis na aktres si mister na aktor kaya hindi agad umuwi sa Pilipinas si misis dahil sa galit sa asawa.

Kaya lang sa ending ng email nang hindi nagpakilalang sender, nabuko na mali ang kanyang k­uwento dahil sa condo raw umuuwi si aktor.

Mali dahil mayaman ang itsinitsismis na hiwalay na mag-asawa. 

Maegan kailangang magpa-Belo, itinakwil na rin nang tuluyan ang ama

Ano ba ‘yung nasa mukha ni Maegan Aguilar? Tutal naman nag-iikot siya sa talk shows, mas maiging magpa-Belo muna siya.

Kahapon ay live siya sa Startalk at doon niya tuluyang itinakwil ang kanyang amang si Freddie Aguilar dahil sa pagpapalayas daw sa kanilang mag-iina. Ayaw na raw niya itong kilalanin at never na siyang uuwi sa bahay nito na nag-umpisa lang ang kanilang away sa nabulok na gulay.

Nauna na rin siyang nagpa-interview kay Tito Boy Abunda na umere rin sa The Buzz.

Bago ito ay marami na siyang interview tungkol sa problema nila ng ama.

Anyway, baka naman may talent fee si Maegan sa kanyang guestings kaya sunud-sunod ang interview niya.

 

ANO AYAW BELO FREDDIE AGUILAR KAHAPON KAYA MAEGAN MAEGAN AGUILAR TITO BOY ABUNDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with