^

PSN Showbiz

Aktres tuluyan nang napariwara, nagbebenta na ng laman para kumita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako nagulat sa kuwento ng isang aktres tungkol sa extra-curricular activities ng female celebrity  na pariwara.

Ano pa ba ang aasahan mo sa isang babae na sinayang ang mga bonggang blessing na ibinigay sa kanya ng nasa Itaas?

Hindi ko magawa na maawa sa female celebrity  dahil kung anuman ang nangyayari ngayon sa kanyang buhay, siya rin ang may kasalanan at kagagawan.

Puwede pa na magbagong-buhay ang female celebrity kung hindi niya paiiralin ang katigasan ng ulo at kayabangan sa katawan. Pero kung hindi siya magbabago, forever na siyang masasadlak sa meat-selling business.

Rhodora pinag-uusapan

Malaki ang possibility na magkaroon ng extension ang Rhodora X dahil sa mataas na ratings ng primetime teleserye nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Mark Anthony Fernandez.

Nadagdagan ang bilang ng mga obsessed sa panonood ng Rhodora X dahil sa kakaibang kuwento ng teleserye at mahuhusay na pagganap ng mga artista.

Pinag-uusapan sa lahat ng sulok ang  Rhodora X. Kilalang-kilala na ng televiewers sina Rhodora, Roxanne, Rowena, at Angela.

Cast ng teleserye, once a week na lang ang taping

Nagrereklamo ang mga artista ng isang drama series dahil once a week na lang ang mga taping nila.

Nag-dialogue na ang isang aktres ng “Paano tayo yayaman kung isang beses, isang linggo ang mga taping natin?”

Agree naman ang mga co-star ng aktres dahil maliit lang ang take home pay nila. Kung once a week ang taping, bale four times a month lang ang work nila at kulang na kulang ang kanilang kinikita sa pambayad sa kuryente, tubig, etc.

Ipinagdarasal ng cast ng teleserye na madagdagan ang kanilang taping days bago sila tuluyang magnega at mawalan ng gana na magtrabaho. Kapag nagnega sila, makakaapekto ito sa ratings ng show  dahil hindi na sila happy.

Ang ending, puwedeng matapos agad ang TV show na hindi pa nagtatagal sa ere.

Bagong nag-aakusa ng rape kay Vhong possessed lang?

Hinihintay ang pagsasalita at pagtatanggol ni Bianca Lapus sa kanyang ex-husband na si Vhong Navarro dahil sa paglitaw ng isang babae na biktima rin daw ng pang-aabuso ng TV host/comedian.

Obvious na gustong  manira ng babae dahil sa kanyang statement na hindi “binyagan” si Vhong.

Si Bianca ang isa sa puwedeng kumontra sa below-the-belt na paninira kay Vhong ng alleged rape victim. Nasa po­sisyon si Bianca para ipagtanggol si Vhong at kontrahin ang nagpapakontrobersiyal na babae dahil matagal silang nagsama ng TV host/comedian.

Sa rami ng mga pinagdaanan ni Vhong, wala akong makitang dahilan para maapektuhan siya ng paninira ng babae. Wala nang titindi pa sa mental, emotional, at physical torture na naranasan ni Vhong sa kamay ni Cedric Lee at ng grupo nito.

Saka busy si Vhong sa promo ng Da Possessed, ang pelikula niya na malapit nang ipalabas sa mga sinehan sa April 19. Puwedeng sabihin ni Vhong na possessed lamang ang mga tao na patuloy na naninira sa kanya at ayaw siya na tantanan.

Pelikula ni Shalala sa 30 sinehan na palabas

Nagpapasalamat si Shalala sa lahat ng mga nanood at patuloy na tumatangkilik sa Kokak, Kokak, Kokak, Etchoserang Frog.

Showing pa rin sa mga sinehan ang launching movie ni Shalala na hindi pa rin makapaniwala na bidang-bida siya sa Etchoserang Frog. Originally, 12 theaters lamang ang nakatoka sa pelikula ni Shalala pero nadagdagan  ang bilang ng mga sinehan.

From 12 theaters, palabas na sa 30 cinemas ang Etchoserang Frog dahil mabilis na kumalat ang balita na nakakatawa at entertaining ang star-studded launching movie ni Shalala.

vuukle comment

DAHIL

ETCHOSERANG FROG

KOKAK

RHODORA X

SHALALA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with