^

PSN Showbiz

Maritoni at TJ lumalala ang ‘gap’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang mag-inang Lexi at Maritoni Fernandez ang nakaintrigahan ni TJ Trinidad sa Celebrity Bluff nang maging contestant ang aktor at ang anak ni Maritoni sa show.

Hindi natin masisisi ang ina kung inaakala niyang na-bully ang kanyang anak. Nagkaroon ng laro at hindi naman lahat ng laro ay tumatanggap na parehas ng mga nagiging magkalaban. Sorry na lang si TJ.

The least he can do is explain. Pero tama na lang siguro na huwag siyang umimik para matapos na ang isyu.

Martin hindi bumagay kay Solenn

Nagpakitang gilas pala sa Mumbai Love si Martin Escudero. Ito ang consensus ng lahat ng nanood ng premiere showing ng movie na nagtatampok kay Solenn Heussaff sa isang lead role ka-partner ang isang baguhang aktor.

But then magaling namang aktor si Martin. ’Yun nga lang baka hindi sila bagay ni Solenn kaya iba ang pinaganap na leading man nito na sana naman ay bagay sa kanya. Unang proyekto ito ng Indian production na sana ay kumita para masundan pa ang unang pelikula nila.

Mga pelikulang Pinoy kulelat sa Oscars

Hindi na naman pala nakasali ang bansa natin sa foreign film category sa Oscars. Hindi nakapasok ang Transit at nawala rin ang mga pelikulang tungkol sa mga Pilipino ng United Kingdom (Metro Manila) at Singapore (Ilo-Ilo). Tsk, tsk, tsk.

vuukle comment

CELEBRITY BLUFF

ILO-ILO

MARITONI FERNANDEZ

MARTIN ESCUDERO

METRO MANILA

MUMBAI LOVE

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with