^

PSN Showbiz

Anne nagtatalon at nagtitili pagkatapos ng duet nila ni Ogie

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Nagtatalon sa tuwa si Anne Curtis dahil naka-survive siya sa duet nila ni Ogie Alcasid sa 25th anniversary concert ng huli. Tanggap ng audience ang boses ni Anne na sintunado nang kantahin nila ni Ogie ang Kailangan Ko’y Ikaw.

SCENE : Humabol sa concert ni Ogie Alcasid ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na nanggaling sa private dinner para kay Taylor Lautner na ginanap sa bahay ni Ben Chan.

SEEN : Hindi gaanong kilala si Julie Anne San Jose ng adult audience sa anniversary concert ni Ogie  Alcasid kahit itinodo na niya ang kanyang pagbirit.

SCENE : Umani ng malakas na hiyawan at pa­lakpakan ang holding hands nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo habang kinakanta nila ang One More Try. Special guests sa concert ni Ogie Alcasid sina Tom at Dennis.

SEEN : Ang mainit na pagtanggap kay Daniel Padilla sa concert ni Ogie ang ebidensiya na siya ang hottest young actor sa kasalukuyan.

SCENE : Kulang sa lalim ang acting ni Kuh Ledesma sa mga eksena nila sa My Husband’s Lover. Hindi pa huli upang mag-enroll sa ac­ting workshop si Kuh.

SEEN : Si Alex Medina at ang kanyang girlfriend sa Shakey’s Shaw Boulevard, Mandaluyong Branch kahapon nang madaling-araw.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BEN CHAN

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

JULIE ANNE SAN JOSE

KAILANGAN KO

OGIE

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with