_ngayon
^

Rico Yan 11 years nang namaalam!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2013 - 12:00am

Hindi na kasabay ng showing ng It Takes A Man and A Woman ang Bangungot ng ATG Productions.

Sa pamagat pa lang, obvious na isang horror movie ang Bangungot na pinagbibidahan nina Empress, Kiray at Joross Gamboa.

Bukas, March 29, ang 11th death anniversary ni Rico Yan na bangungot ang ikinamatay sa Dos Palmas Resort, Palawan.

Good Friday bukas at Good Friday din nang sumakabilang-buhay ang aktor noong 2002. Hindi pa uso noon ang social media pero mabilis na kumalat ang balita dahil sa mga text message na umikot at gumimbal sa showbiz. Bago namatay si Rico, nakatikim siya ng blockbuster movie dahil pinilahan sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang pelikula nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Nailihim nina Rico at Claudine na hiwalay na sila habang ipino-promote nila ang Got 2 Believe na mahigit isang buwan na ipinalabas sa mga sinehan. 

Nakiramay ako noon sa mga naulila ni Rico. Pumunta ako sa burol niya sa La Salle Greenhills.

Mainit na noon ang network war ng ABS-CBN at GMA 7 kaya nang duma­ting ako, humingi pa ng clearance sa kinauukulan ang security guard ng La Salle Greenhills dahil Kapuso raw ako.

Dumagsa ang fans ni Rico sa La Salle Greenhills dahil sa kagustuhan nila na makita sa huling pagkakataon ang aktor na kanilang iniidolo. Inabangan ng media ang pagdalaw noon ni Claudine sa burol ng kanyang ex-boyfriend.

Lovi, Rufa Mae at Maxene hindi nakuha ng Coming Soon

Coming Soon ang title ng pelikula na ginastusan ni former Congressman Ronald Singson at ng kanyang mga business partner na sina Neil Arce at Boy2 Quizon.

Seryoso si Ronald sa kanyang bagong career bilang movie producer. Umaasa siya na masusundan agad ang Coming Soon, lalupa’t may project sila na balak isali sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Ex-boyfriend ni Lovi Poe si Ronald, ex-dyowa ni Maxene Magalona si Neil Arce at muntik nang magpakasal sina Boy2 at Rufa Mae Quinto.

Mga kilalang artista ang pumayag na magkaroon ng special participation sa Coming Soon pero hindi kasama sina Lovi, Maxene at Rufa Mae.

Naranasan nina Neil at Boy2 na mag-away dahil sa Coming Soon. Nag-clash ang kanilang mga idea at desisyon pero hindi nila pinapatagal ang kanilang away. Kinabukasan, bati na sila at hindi na pinag-uusapan ang mga balitaktakan nila. Hindi rin sila nagsabi ng sorry sa isa’t isa bilang true friends ang dalawa.

Ang Viva Films ang magre-release sa mga sinehan ng Coming Soon na blessing in disguise dahil contract star ng Viva si Andi Eigenmann, ang lead actress ng pelikula.

 

ANDI EIGENMANN ANG VIVA FILMS BANGUNGOT COMING SOON GOOD FRIDAY LA SALLE GREENHILLS NEIL ARCE RICO RUFA MAE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with