^

PSN Showbiz

Marian kinikilabutan, hindi na tinatawag ng fans sa pangalan!

Joe Barameda - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Talagang busisi kami kasi siyempre alam naman natin na may blend na ng pagka-Pinoy na maganda rin siguro na…siguro ’yung iba, nagtataka rin kung bakit ’yung line ng story namin eh hindi sobrang katulad nung Korean version. Siyempre bukod sa ginagawa nating Pinoy, para naman magkaroon ng thrill.

“Kasi kung susundan natin yung path na same talaga na nangyari na ganitu-ganito, eh wala ng thrill. Wala ng excitement na alam na nila kung ano ang mangyayari. So medyo may twist-twist lang,” kuwento ni Marian Rivera sa mga magaganap sa drama series niya sa GMA 7 na Temptation of Wife.

Nakatsikahan namin si Marian nung Dec. 17 sa Greenmeadows Village sa Quezon City sa set ng taping ng programa.

Ano ang pagtataray na gagawin ni Chantal?

“Hindi ako magtataray eh. Ibang approach ang gusto kong gawin dito. Nag-usap na kami ni Direk (Dominic Zapata), ayoko ’yung mga naghihiganting pataray, iba ang gagawin ko. Lamon! Sa mata lang.”

Very Nora Aunor?

“Nora Aunor! Para kasi ’di ba, alam ninyo ’yung mga tipikal na mga mababait tapos umaapi, na ‘Ano, ha?!  Akala mo!’ ’Yung ganun,” sabi ng bida.

“So, parang gusto namin ibang atake naman. Ewan ko kung kaya kong gawin pero ita-try ko. Basta ang ganda ng mangyayari. Ang ganda ng istorya, nabasa ko ’yung script ng week eight and week night, naku!”

Halos puro positive reviews ang natatanggap ni Marian tungkol sa role niya bilang Angeline sa Temptation of Wife.

Say niya, “Sabi ko nga eh parang after Amaya ngayon na lang uli yata ako naka­rinig ng mga tao na sobrang adik na adik sa show, sa Temptation of Wife. ’Tapos si Popoy (Caritativo, her manager), kasi ano wala kasi akong Twitter, wala akong Facebook, pero ’yung mga comment sa akin iniipon ni Popoy ’yun tapos sine-send niya sa e-mail ko. Nababasa ko lahat ng comments sa akin. Siguro ngayon na lang uli ako lumalabas ng bahay na tinatawag ako sa karakter ko, na hindi sa pangalan ko, Angeline. Kinikilabutan ako!’”

Puwede na bang i-share ang New Year’s resolution?

Sagot ni Marian, “Siguro ang New Year’s resolution ko, itong gagawin kong movie sa iko-co-prod ko na magpo-produce ako eh pagbutihin kong mabuti, at malay mo kapag nag-enjoy ako at ganun pala kasaya ang mag-produce eh malay mo, maging producer ako, ’di ba?”

Hindi pa ba puwedeng i-reveal kung sino ang malaking artista na magiging co-producer niya?

“Magkikita kami sa nineteenth, for sure sa nineteenth malalaman ninyo kung sino siya,” sagot niya.

Fifty-fity ang share?

Say niya, “Pag-uusapan namin kung kakayanin ko ’yang fifty-fifty na ’yan. Ang laki kasi, parang Tiktik ’yung amount namin eh. Ang laki. Tingnan natin kung kakayanin ko.”

Kung meron siyang gustong gawin ngayong Pasko para sa sarili niya.

“Alam mo sa totoo lang, sabi ko nga thankful ako. Thankful ako ang dami kong trabaho, ini-enjoy kong umarte ’tapos iba-ibang tao, iba ’yung movie namin ni Richard (My Lady Boss na movie nila ni Richard Gutierrez), iba itong Temptation of Wife, iba ang ExtraChallenge, iba itong movie na gagawin kong isa pa. Kaya sabi ko, ‘Ay dire-diretso na naman ako. Wala na naman akong tulog. Wala talaga. Ine-enjoy ko pero sabi ko siguro kahit isang araw lang ipa-pamper ko naman’yung sarili ko.

“Pamasahe, pa-salon, ay ’daaay, lahat ng pagpapaganda at pagre-relax,” saad ni Marian na nakangiti.

Ano ang naiisip niyang Pamasko, kung siya si Santa Claus, kay Dennis Trillo na leading man niya sa Temptation of Wife bilang si Marcel at “kapatid” niya bilang talent ni Popoy.

“Siguro bibigyan ko sila ng moment nung anak niya, para makapag-bonding sila.”

Kay Glaiza de Castro na kasama niya sa Temptation of Wife bilang si Heidi?

“Kay Glaiza, naku, isa pang stressed ’yan sa buhay sa Temptation of Wife, kaya bakasyon din para sa kanya.”

Kay Sheena Halili?

“Ay dinner kaming dalawa. Madaldal kasi kaming dalawa so sa isang dinner marami kaming mapag-uusapan.”

Tatanungin ba niya si Sheena kung bakit hiwalay na umano ito kay Rocco Nacino? Bilang kaibigan ni Sheena, alam ba ni Marian ang rason?

“Mahirap sa akin manggaling. Sa kanya na lang.”

Kay Katrina Halili?

“Siguro more on ano, mas masaya pa, dahil alam ko nung nagka-baby siya ang saya niya eh. Siguro huwag mawala ’yung happiness niya dun sa anak niya at madagdagan pa ’yung anak niya.”

Kay Atty. Felipe Gozon na big boss ng GMA?

“Fruits! Kailangan ng tao ’yun para maging stronger pa lalo.”                

 

vuukle comment

AKO

KUNG

NIYA

SIGURO

TEMPTATION OF WIFE

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with