Mark dedma nang bahain ang pamilya ni Ynna!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (The Philippine Star) - August 17, 2012 - 12:00am

PIK: Finally, inilibing na rin ang mga abo ni Tito Douglas Quijano sa may St. Therese Columbary kahapon ng tanghali.

Sinubukan ni Congresswoman Lucy Torres na ipunin ang dalawampung urn na hawak ng pamilya, talents, at malalapit na kaibigan ni Tito Dougs pero hindi rin niya nakuha lahat.

Labingtatlong urn lang ang nailagay sa columbary kaya susubukan pa nilang kunin lahat para mailagay na lahat sa kanyang huling hantungan.

Ilan sa mga talent ni Tito Dougs na dumalo sa libing nito ay ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy, at si Jomari Yllana.

Present ang karamihang miyembro ng PAMI (Professional Artist Manager), Inc. na nag-ayos ng misa at pagpapalibing sa St. Therese.

PAK: Matindi pala ang lakas sa masa ng sikat na K Pop boy band na Super Junior.

Dumating dito sa bansa ang dalawang sikat na miyembro na sina Donghae at Si Won para sa launching bilang bagong endorser ng Bench.

Punung-puno ang lahat na floor ng Trinoma sa Quezon City para panoorin lang ang dalawang Koreanong singer/dancer.

Paglabas nila, nabingi na kami sa lakas ng tili kaya hindi na halos marinig ang sinasabi ng dalawa.

Nangako si Si Won na babalik sila ng bansa at kasama na ang lahat na miyembro ng Super Junior.

Pero nagpapasalamat sila kay Mr. Ben Chan ng Bench dahil sa binigyan sila nang pagkakataong madalaw ang bansa.

BOOM: Ayaw magkomento ni Mark Herras sa mga pahayag ni Ynna Asistio na medyo nagtatampo ito dahil sa hindi man lang sila nadalaw nung binaha sila.

Sabi naman ni Ynna, okay naman sila ni Mark at hindi naman ganun kalaking isyu sa kanila. Madalas naman silang nag-uusap at nagte-text pero matagal na silang hindi nagkikita dahil sa napaka-hectic ng schedule ni Mark.

Kaya ayaw na lang sagutin ng dancer-actor para hindi na maging isyu dahil okay naman sila ni Ynna.

Pinabulaanan naman ng young actress na nagkakalabuan silang dalawa. Naintindihan lang niya na abala ang boyfriend sa mga regional show na naikot na ang iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Nandiyan pa rin ang trust niya sa aktor.

BEN CHAN DOUGLAS QUIJANO JOMARI YLLANA K POP LUCY TORRES MARK HERRAS PROFESSIONAL ARTIST MANAGER SI WON SUPER JUNIOR TITO DOUGS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with