^

PSN Showbiz

Kontrobersiyal na aktres iiwan na ang showbiz para sa BF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May balak pala talagang bumalik sa Pilipinas Win na Win si Robin Padilla dahil balita namin, nag­hahanap ito ng stylist na tutulong sa kanya sa pang-araw-araw niyang isinusuot. Hindi naman siguro totoong sa ngayon ay si Mariel Rodriguez ang stylist ni Robin.

May napiling stylist si Robin, kaya lang busy ito dahil stylist din ng dalawang aktor na kailangang tutukan dahil parehong may daily show. Pero dahil matagal na nitong kilala ang aktor, malaki ang posibilidad na tanggapin na maging stylist ni Robin.

* * *

Umalis last Sunday for the States ang controversial actress at hindi malayong pagdudahang kaya ito biglaang umalis ay para makipagkita sa sinasabing boy­friend. Naunang umalis ang lalaki at sumunod na lang ang controversial actress at babalik siguro bago ang kanyang taping para hindi mahalatang nawala siya ng ilang araw.

Nabanggit na noon ni controversial actress na kaya niyang ipagpalit ang kan­yang career ’pag du­mating na sa buhay niya ang right guy na matagal niyang hi­nintay, kaya ’di kami magugulat kung isa sa mga araw na ito kapag niyaya na si controversial actress ng kasal ng BF ay talikuran nang tuluyan ang career.

* * *

Nabasa namin ang tweet ni Pokwang: “Sorry po, pero may order po na hindi muna kami dapat mag­salita tungkol sa ganyang usapan ngayon. Pasensiya na po” at “wag na paapekto, dedma na lang ok! Smile.”

May feeling kami na tungkol sa mga pahayag ni Willie Revillame tungkol sa Pili­pinas Win na Win ang gustong tukuyin ni Pokwang, na may order sa kanila ang ABS-CBN na ’wag munang magko-com­ment at hayaan ang network ang siyang sumagot kay Willie na ginawa nga nang mag-issue ang ABS-CBN ng official statement bilang sagot kay Willie.

Kanya-kanyang interpretasyon ang tao sa kontrata ni Willie at ang reaction nang nakararami ay pagalingan na lang ng mga lawyers sina Willie at ang istasyon.

* * *

Takot na takot si Pauleen Luna sa naba­litaang nasa listahan siya ng mga bibigyan ng “gift” kuno ng taong nag-attempt na kumidnap kay Mr. Delfin Geronimo, ama ni Sarah Geronimo. Ipinakita nga sa news na may gift pack na nakapangalan kay Pau­leen at kina Ogie Alcasid, Jaya, Regine Velasquez at kay Pauleen nga.

Mabuti at mabilis na nahuli ang taong may masa­mang balak sa mga artista dahil kung nagkataon, marami pa siyang mabibiktima.

vuukle comment

DELFIN GERONIMO

LEFT

MARIEL RODRIGUEZ

OGIE ALCASID

PAULEEN LUNA

PILIPINAS WIN

POKWANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with