^

PSN Showbiz

Nido gamit ni Sharon para sa mga anak

-

MANILA, Philippines - Natuklasan ni Megastar Sharon Cuneta na Nido Fortified ang gatas na mas mahusay para sa kanyang mga anak.

Lumabas sa kasalukuyan si Sharon sa television commercial ng Nido Fortified kasama ng mga anak niyang sina Frankie at Miel Pangilinan

Tampok din ang mag-iina sa You’re My Number One music video ng Nido at kasama niya sa pagkanta ang kanyang mga anak.

“Pangunahin kong prayoridad bilang isang ina na tiyakin ang wastong kalusugan ng aking mga anak. Kaya nga pinipili ko ang mga produktong makakabuti sa kanila,” sabi pa ng megastar.

Sa tingin ni Sharon, lahat ng ina ay gustong sabihin sa kanilang mga anak ang isang linya sa tema ng Nido Fortified na “One of them goes, ‘my one and only joy is to give you my love.”

Sinabi naman ng Nestle Philippines na si Sharon ang una niling pinisil para mag-endorso sa kanilang produkto.

 “Kilala si Sharon sa pag-endorso sa mga produktong pinaniniwalaan at ginagamit niya. Natutuwa kami na maging bahagi siya ng pamilya ng Nido,” sabi naman ni Susana Aquino, brand manager.

 “Napakaraming produktong gatas ngayon sa mga pamilihan at, sa pagtingin sa kanilang nutritional information, nalaman ko na meron itong taglay na mga bitamina at mineral na kailangan ng aking mga anak,” sabi pa ng ina ng tatlong batang babae at maybahay ng senador. 

vuukle comment

ANAK

FRANKIE

MIEL PANGILINAN

MY NUMBER ONE

NESTLE PHILIPPINES

NIDO

NIDO FORTIFIED

SHARON CUNETA

SUSANA AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with