^

PSN Showbiz

Gloria Romero, di tinanggap ang alok ng GMA!

RATED A - Aster Amoyo -
Mukhang seryoso ang binatang-amang aktor at businessman na si Marvin Agustin sa kanyang panunuyo sa teenstar na si Pauleen Luna. Hindi nito ikinakaila na nililigawan niya ang young actress at seryoso umano siya rito. Sa halip na sa pamamagitan ng text at makipagkita sa labas, sa bahay dinadalaw ni Marvin si Pauleen bagay na ikinatutuwa ng young actress at ng kanyang mga magulang.   

Si Marvin din ang magiging escort ni Pauleen, sa darating na Luna Awards. Ito bale ang kanilang magiging first public appearance na silang dalawa ang magka-date.
* * *
Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ng supervising producer ng epic romance movie na Eternity na si Manny Valera na nabigyan ng B-rating ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula kaya tuwang-tuwa umano ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo, ganundin ang bumubuo ng cast na pinangungunahan nina Iza Calzado, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Mark Herras at ang direktor na si  Mark Reyes.   

Dahil sa B rating na nakuha ng Eternity sa CEB, 50% ang makukuhang tax rebate ng pelikula.
* * *
Mukhang napabayaan yata ni Rosanna Roces ang kanyang sarili at hinayaan na niyang tumaba siya ng husto.

Sa Maalaala Mo Kaya nung nakaraang Biyernes, ginulat talaga ni Osang ang mga manonood dahil nawala na ang dati niyang pangangatawan. Ibang Rosanna ang napanood sa Rosanna na napapanood noon. Kapag nagpabaya si Osang sa kanyang katawan, tiyak na lalong magiging madalang ang trabahong kanyang makukuha.  Unless wala na siyang balak na ipagpatuloy pa ang kanyang showbiz career.
* * *
May offer pala kay Gloria Romero ang GMA-7 pero hindi umano ito matanggap ng movie queen at veteran actress dahil sa kanyang loyalty sa ABS-CBN. Dahil dito, dalawang magkahiwalay na programa ang ibinigay ng Dos sa award-winning actress, ang Pedro Penduko na tatakbo ng 20 linggo at ang bagong sisimulang teleserye na Crazy For You.
* * *
May anim na taon na rin ang pagsasama ng mag-asawang Agot Isidro at Manu Sandejas, anak na lamang ang kulang sa kanila.

 Patuloy na umaasa ang mag-asawa na mabibiyaan pa rin sila ng supling. 

Kung sina Dawn Zulueta at mister nitong si Anton Lagdameo ay pitong taon ang hinintay bago nagkaanak, hindi naggi-give-up ang mag-asawang Agot at Manu na balang araw ay mabibiyaan din sila ng anak.

Si Agot ay mapapanood sa Pedro Penduko na siyang launching project ng ex-PBB Teen na si Matt Evans at matutunghayan sa telebisyon simula ngayong Sabado, September 9.
* * *


<[email protected]>

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ANTON LAGDAMEO

CENTER

CINEMA EVALUATION BOARD

CRAZY FOR YOU

DAHIL

PEDRO PENDUKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with