^

PSN Showbiz

Lalaki ang ipinalit ni Desiree kay Elaine !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naging kontrobersiyal ang relasyon ni Desiree del Valle at ang tomboy na si Elaine. May bago ng relasyon si Desiree pagkatapos ng kontrobersiyal niyang relasyon sa tomboy na si Elaine. Balitang si Luis Alandy ang bf ngayon ni Desiree. Sweet na sweet ang dalawa kapag magkasama sa mga lakaran. Ang kanilang mga kilos ang magpapatunay na mag-on na ang dalawa bagama’t walang tuwirang pag-amin ang nanggagaling sa kanila.
Jericho Ipinagtanggol Si Cindy
May intriga kaya nagkahiwalay sila Jericho Rosales at Cindy Kurleto dahil gumagamit ng ecstacy si Cindy. Sinabi ng aktor na hindi totoo ang balita dahil kilala niya ang aktres bilang anti-drugs. Kung gumagamit si Cindy ng ipinagbabawal na gamot ayon sa aktor ay hindi magiging ganoon kaganda ang katawan nito, hindi ganun katalino at sariwa pa ang kagandahan. Mapapatunayan nito kahit kanino na hindi talaga gumagamit ng ecstacy ang kanyang ex-gf.
Angel, May Kissing Scene Kay Richard
Hindi totoong ‘‘jinx’’ si Angel Locsin gaya nang sinasabi ng kanyang mga detractors. Super dami ng proyekto nito mapa-telebisyon at mapa-pelikula. Halos isang araw na nga lang ang pahinga nito sa isang buong linggo. MWF ang taping nito sa bagong fantaseryeng Mulawin, Martes ang All Together Now. Sabado at Linggo para sa syuting ng filmfest entry nila under Regal Entertainment katambal nito si Richard Gutierrez.

Kapag Huwebes ay nagtutulog lang ito sa kanyang condo ang tanging araw ng kanyang pamamahinga.

Sa pelikulang Sigaw ay may kissing scene sila ni Richard kaya kabado siya. Pero alam ni Angel kung gaano ka-gentleman ng young actor.
Dana, Di Pa Rin Makalakad Ng Mabuti
Gusto pa pala ni Atty. Gaudioso Manalo na kunin ang serbisyo ni Dana Garcel para sa Angora Films. Ang aktres ang kasama ni Halina Perez at ang manager nito na namatay noon sa aksidente.

Kinumusta ng producer ang seksing aktres na gustung-gusto nang magbalik-showbiz kaya lang hindi pa rin ito nakakalakad ng mabuti. Hanggang ngayon ay nagpapa-therapy pa rin ito at sa kanyang sariling bulsa nanggagaling ang pera para sa gamutan at pagpapa-therapy.

Matatagalan pa siguro bago makalakad mabuti ang aktres dahil sa tinamong pinsala ng mga buto sa kanyang mga binti at hita.
Ibang Klase Si Tom Cruise
Walang dudang naging superstar sa buong mundo si Tom Cruise dahil sa tagumpay sa takilya ng Mission: Impossible 1 at 2. Bilang isang mahusay na aktor, tatlong beses siyang nagkamit ng nominasyon mula sa Academy Awards. Ngayon, masusubok nang husto ang kanyang karisma at talento dahil sa kakaiba niyang pagganap sa pinakahihintay na action-thriller sa taong ito, ang Collateral.

Ipinamamahagi sa Pilipinas sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Ipapalabas na sa ika-6 ng Agosto.

vuukle comment

ACADEMY AWARDS

ALL TOGETHER NOW

ANGEL LOCSIN

ANGORA FILMS

CENTER

CINDY

CINDY KURLETO

DANA GARCEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with