^

PSN Showbiz

Kris Aquino, pinahirapan sa 'Hiram'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Halos sumuko na si Kris Aquino sa taping ng Hiram. Last weekend kinunan ang isang eksena kung saan rireypin si Kris ng isang lalaki. Dahil sa lakas ng pwersa ng lalaki, hindi ito kinaya ni Kris. Pagtulak niya sa lalaki, naipit ang kamay ni Kris sa pinto.

Last Sunday, dinalaw ko si Kris sa studio ng The Buzz. Bukod sa masakit na kamay, inirereklamo rin niya ang kanyang boses. Paos na paos si Kris nang sadyain ko sa kanyang dressing room.

"Sobrang sakit," reklamo ni Kris. Imagine, all of my four fingers, naipit and black ang blue talaga siya."

Naloka si Kris dahil sa isang taping day, anim ang kanilang locations.

"Imagine, 6 hours kukunan ang eksena, ‘tapos ilang minuto lang ipapalabas sa TV," sabi pa nito.

Ani Kris, ang pinaka-consolation lang ng lahat ng kanyang hirap ay ang mataas na rating ng show. ‘Di bumababa sa 40% ang rating ng Hiram mula nang mag-premiere ito.

Puring-puri ni Kris ang mga direktor niyang sina Jerry Sineneng at Jerome Pobocan dahil sa husay ng mga ito.

"Bilib ako sa kanila kasi talagang iba ang style nila, especially Direk Jerry. Kaya nga kahit pinahihirapan nila kami ng cast, okey lang. Maganda naman ang outcome ng show."

Nagpaumanhin si Kris na hindi siya masyadong makapagkwento sa akin dahil inilalaan niya ang kanyang boses sa The Buzz.
* * *
Pinag-uusapan ang item ko last week tungkol sa diumano’y nude video ni Karel Marquez. The day na lumabas ang item, inulan ako ng text messages asking if the video was indeed authentic at kung si Karel nga ang nasa video.

Kahit ang handler ni Karel sa ABS-CBN Star Magic na si Janice Damasco ay naalarma din. Pilit na inaalam kung totoo ang video. Uulitin ko, sa item na sinulat ko, sinabi ko na it came out as a blind item si Karel ang suspetsa kong tinutukoy.

So, ang ginawa ng Star Magic, pilit na hinahanap ang video. At nakuha naman nila. Doon na lang sila nakahinga ng maluwag nang makumpirmang hindi nga si Karel ang nasa video.

Pinatawag din si Karel para makita ang video. Nang makita na ito ang diumano’y nude video niya, tawa nang tawa si Karel. Ayon kay Karel, maraming pagkakaiba sa physical features niya at no’ng babae sa video.

Malakas kasi talaga ang attraction ni Karel sa male crowd. In fact, sa tuwing may gig siya sa Dish (sa ABS-CBN), mostly na nasa crowd ay lalaki. Kaya tiyak ko, isang obsessed kay Karel ang may pakana ng fake video.
* * *
Marami ang nagtatanong kung kailan daw ang birthday ko? Today, July 21 ang birthday ko. I’m now 34 years old. As early as last week ay inuulan na ako ng greetings mula sa mga kaibigan ko.

Naging tradisyon ko na sa tuwing birthday ko ay may party ako. Sa loob ng siyam na taon, taun-taon, I make it a point to hold a party. But this time, I decide na huwag nang mag-party. Naging praktikal ako. Mahirap ang buhay ngayon. Imbes na i-spend ko sa party, ilaan ko nalang ang gagastusin sa ibang pangangailangan.

Last year, isa sa pinaka masayang birthday party ko. Ginanap ‘yon sa Window’s Cafe sa ABS-CBN. Higit na nagpasaya sa akin ang pagdating ng mga malalapit na kaibigan ko. Natatandaan ko na dumating sina Claudine Barretto (who came with Raymart Santiago), Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, John Lloyd Cruz, Carlos Agassi, John and Camille Prats, Bayani Agbayani, Dennis Padilla and Marjorie Barretto, Dominic Ochoa, Marvin Agustin, John Barretto at siyempre ang buo kong pamilya.

Dumating din ang kaibigan ko sa ABS-CBN Talent Center, Star Cinema at iba pa.

Maraming salamat sa mga unang nakaalala sa birthday ko ngayong taon ‘tulad nina Kris Aquino, Boy Abunda, Tin tin Bersola at iba pa.

vuukle comment

ANI KRIS

BAYANI AGBAYANI

BOY ABUNDA

CAMILLE PRATS

KAREL

KRIS

KRIS AQUINO

STAR MAGIC

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with