^

PSN Showbiz

Swerte naman ni Cesar, mayro'n ng Dos may Siyete pa!

- Veronica R. Samio -
Iilan lamang ang bilang ng artista na pwedeng maglagare ng show sa dalawang magkalabang network sa bansa. Karamihan sa mga malalaking artista ay may exclusive contract sa alin man sa dalawang istasyon. Like Dolphy can not do shows on GMA. Exclusive siya sa ABS-CBN.

Napaka-swerte ni Cesar Montano na bagaman at nakatali sa isang kontrata sa Dos ay pinayagan na gumawa ng Larawan ng isang buwan sa Siyete. Idinahilan niya na wala pa naman siyang ginagawa sa kabilang bakod, na hindi pa nagsisimula ang bagong palabas niya rito.

Kung sabagay hindi lamang sa TV maswerte ang aktor. Ganun din sa pelikula. Sa kanyang latest movie sa Maverick Films, ang Mananabas, hindi lamang siya artista rito, siya rin ang direktor, scriptwriter at dahil ang manager niya ang line producer, nakapaglaro siya sa budget at naibigay ang requirements ng pelikula.

Pati sa lovelife, swerte rin siya. Bagaman at stormy ang simula nila ni Sunshine Cruz, nakapag-adjust na sila at ang pagdating ng isang bundle of joy named Angelina Isabelle ay magpapatatag pa sa kanilang relasyon.

Ka-partner niya sa Mananabas si Jo Canonizado with strong support from Daniel Fernando, Rommel Montano, Von Vivar, Sammy Lagmay, Mandy Ochoa at marami pa.
*****
Sayang at hindi ako nakarating sa ipinagmamalaking foamy birthday bash ng kasamang Chit Ramos sa Phenomena last Saturday. Na-miss ko yung kakaibang party niya na siya pa lamang daw ang kauna-unahang entertainment writer na nagkaroon. Yun bang habang sumasayaw ka sa dance floor ay inuulan ka ng bula ng sabon na nagkakahalaga raw ng P25 thou! Syempre, mababasa ka pero enjoy daw ang lahat ng bisita. Yung ayaw mabasa dahil may rayuma, nagkasya na lamang sa panonood. Hindi ko rin daw nakaniig ang mga malalaking stars na pumunta at bumati sa kanya.

Like
Rica, Aga, Eddie, Bayani, Symon, Michelle, Angelica, Rufa Mae, Mayor Toby, Andrea, Paul Cabral at marami pa.

vuukle comment

ANGELINA ISABELLE

CESAR MONTANO

CHIT RAMOS

DANIEL FERNANDO

JO CANONIZADO

MANANABAS

MANDY OCHOA

MAVERICK FILMS

MAYOR TOBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with