Basurang itinapon sa Senado, nasalo ni Bato
LUMUTANG ang isang Eric Santiago sa Senado kaugnay ng CCTV caption na lumabas sa social media at isinasangkot si First Lady Liza Marcos sa kuwentong panunuhol. Production lang pala at may subtitle pa. Ha-ha-ha!
Ginawa raw ito ni Santiago para patunayan sa publiko na pumapatol sa kuwentong barbero ang Senado partikular ang komite ni Sen. Bato dela Rosa. Ayun! Pinatulan nga.
Insulto sa Senado ang mga binitawang salita ni Santiago. Nagkatotoo ang kasabihang “basurang itinapon mo, babalik sa iyo”.
Nagsimula ang Committee on Dangerous Drugs ni Bato sa basurang balita ni dating PDEA agent Jonathan Morales at Claire Eden Contreras alias “Poisonous Maharlika”. Ikinuwento nila ang “pagbabangag” ni Pres. Bongbong Marcos kahit walang ebidensiya. Kuwentong barbero na sa basurahan ginawa!
Sa pagtayong witness ni Morales sa Senado, marami itong ipinahamak na opisyales sa PDEA. Pero nang humarap sa komite ni Bato, nabaliktad ang pangyayari—siya pala ang mas malansa. Pwe!
Naging markado ang pagtatanong nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Chiz Escudero hanggang naging basura ang testimonya ni Morales. May pera po sa basura!
- Latest