AFP: Hi-tech radios inilagay sa Navy detachment sa Fuga, Calayan islands
MANILA, Philippines — Nilagyan na ang AFP-Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM) ng mga high tech Harris radios ang mga naval detachment nito sa Mavulis, Fuga at Calayan Islands sa hilagang Luzon.
Sa pahayag ng AFP-NOLCOM, ang pagkakabit ng mga sophisticated communication equipment ay isinagawa mula Linggo hanggang Martes ng umaga.
Samantala, pinangunahan ni Lt. Gen. Ferynl Buca ang pagsasagawa ng site survey, pag-iinspeksiyon at pagkakabit ng mga radio communications sa Mavulis Island sa Itbayat, Batanes.
Nilalayon nito, ayon sa opisyal ang makapagkaloob ng maasahan at sekyur na boses para sa kapabilidad sa komunikasyon para sa mapaghamong kapaligiran.
“The installation of Harris radios will significantly enhance communication capabilities across Batanes, strengthening maritime security and external defense efforts in the region,” pahayag ng AFP-NOLCOM.
Ang mga personnel naman ng 2nd Communications, Electronics and Information Systems Group, Communications Electronics and Information Systems Service ng AFP ang masigasig na nagtrabaho para maikabit ang mga Harris radios sa Fuga at Calayan Islands.
Samantala, binisita naman ni Buca ang isinagawang pagkakabit ng mga Harris radios na naglalayong mapalakas pa ang operational readiness at strategic military installations sa lalawigan ng Batanes. Ininspeksyon rin niya ang helipad sa Mavulis Naval Detachment upang tiyakin ang operasyonal na kakayahan nito.
- Latest