^

Probinsiya

8K sibilyan lumikas sa bakbakan ng MILF vs BIFF

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 8,000 sibilyan o mahigit sa 1,500 pamilya ang apektado ng engkwentro ng dalawang Moro armed groups na nagsimula nitong Lunes ng madaling araw sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Sa pahayag ni Mamasapano’s Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) chief Vincent Cuales, naglalaban ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 118th Base Command at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Dasikil.

Nag-ugat ang engkuwentro matapos ang pag-atake at kontra atake ng dalawang grupo dahilan ng panganib ng mga sibilyang naninirahan sa lugar.

Lumikas naman mula Brgy. Dasikil patungong Brgy. Tuka at Libutan sa bayan ng Mamasapano ang nasa 189 pamilya habang ang ibang pamilya ay lumikas sa kabilang bayan ng Sha­riff Saydona Mustapha at Radjah Buayan sa Maguindanao del Sur.

Ayon pa kay Cuales, ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo ay may kinalaman umano sa insidente ng pana­nambang nitong Marso 31, 2024 na pumatay sa isang barangay councilor at pagkasugat ng isang pulis sa bayan ng Mamasapano.

Batay sa datos ni Ameer Jehad Ambolodto, hepe ng Maguindanao del Sur Provincial DRRMO, nasa 1,577 pamilya o aabot sa 8,000 katao kabilang ang mga nasa kalapit lugar ang apektado na ng engkuwentro ng dalawang grupo.

Naniniwala ang awtoridad na ang naganap na pananambang ay konektado sa naganap na pamamaril sa Barangay Poblacion sa bayan ng Shariff Aguak, mahigit isang linggo na ang nakalilipas na pumatay sa dala­wang menor-de-edad na umano’y konektado sa iligal na droga.

Sinubukan ng MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities and Ad Hoc Joint Action Group na pumagitna sa problema ng dalawang grupo upang matigil ang labanan subalit muling sumiklab ang engkuwentro nitong Lunes.

Tumutulong na rin ang Local Government Unit (LGU) ng Mamasapano na mapahupa ang tensiyon ng magkalabang grupo.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with