^

Probinsiya

P34 milyong shabu nasabat sa big-time drug dealer

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
P34 milyong shabu nasabat sa big-time drug dealer
Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Cesario Gil Castro ang suspek na si Zacaria Jaji Nandang alias “Dats”, residente ng Brgy. Bagua 2, Cotabato City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) katuwang ang iba’t ibang law enforcement agencies nang masabat ang may P34 milyong halaga ng shabu sa ikinasang anti-drug operation sa hinihinalang big-time drug dealer, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Matalin, Malabang, Lanao del Sur.

Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Cesario Gil Castro ang suspek na si Zacaria Jaji Nandang alias “Dats”, residente ng Brgy. Bagua 2, Cotabato City.

Agad na dinakma ng mga awtoridad si Nanjang sa aktong binebentahan ang nagsilbing poseur buyer ng 1-kilong shabu.

Nang inspeksyunin ng mga operatiba ang sasakyan ni Nandang ay nakuha pa umano rito ang nasa 4-kilong shabu na nakalagay sa mga Chinese tea bag pouches.

Nakuha kay Nandang ang 5 malalaking pakete na may bigat na 5 kilong shabu at nagkakahalaga ng P34,000,000.

Narekober din ang P1,000,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at iba pang non-drug items.

Katuwang ng PDEA-BARMM sa matagumpay na operasyon ang PDEA-Maguindanao, PDEA-Lanao del Sur, Provincial Drug Enforcement Unit-15, Police Regional Office ng BARMM, Regional Highway Patrol Group, National Bureau of Investigation, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at 3rd Scout Ranger Battalion ng AFP.

Ayon kay Castro, si Nandang ay matagal na diumanong minamanmanan ng PDEA-BARMM, mga intelligence units ng PRO-BAR at Cotabato City Police Office dahil sa kanyang malakihang pagbebenta ng shabu sa lungsod at mga karatig bayan sa mga probinsya ng Maguindanao del Norte at Lanao del Sur, parehong sakop ng Bangsamoro region, at sa Cotabato sa Region 12.

Ayon kay Castro, naaresto sa Malabang si Nandang sa tulong na rin ng mga impormanteng alam ang kanyang illegal na gawain.

Iniimbestigahan na rin ng PDEA -BARMM ang ulat na gagamiting pondo sa eleksiyon ang mapagbebentahan ng nakumpiskang illegal drugs.

Kulong ngayon sa PDEA-BARMM custodial faci­lity ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with