^

Probinsiya

Sakahan ng Iloilo farmer, sumibol sa tulong ng SM Foundation

Pilipino Star Ngayon
Sakahan ng Iloilo farmer, sumibol sa tulong ng SM Foundation
Si Rita Soltis habang nag-aani ng gulay sa kanyang Dorime Garden
Photo Release

MANILA, Philippines — Isa sa mga layunin ni SM Group founder Henry “Tatang” Sy, Sr. ang paigtingin ang food security at sector ng agrikultura sa bansa sa pamamagitan ng isang programa para sa mga magsasaka.

Mula sa kanyang adhikaing ito, itinatag ng SM Foundation para sa mga magsasaka ang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) upang iangat ang antas ng kanilang kaalaman sa pagsasaka at pagnenegosyo.

Isa sa libu-libong napagtapos ng KSK ay si Rita Soltis, mula sa Iloilo City, na hangad mapayabong ang kanilang kabuhayan sa tulong ng makabagong farming techniques.

Buhay bago ang KSK

Mulat na sa hirap ng pagsasaka si Rita. Bilang diskarte ay nagtanim siya ng gulay para sa kanyang pamilya—ang sobra ay binabahagi niya sa kanyang komunidad nang libre.

Dagdag niya, hindi biro ang pagsasaka dahil sa mga hamon tulad ng kakulangan ng capital, peste, kalamidad at panahon na maaaring makaapekto sa produksyon ng ani.  

Sa tulong ng SM Foundation at partners nito tulad ng Centre For Agriskills and Livelihoods, nalaman niya ang mga istratehiya kung paano mapapadali ang mga gawain sa sakahan at natuklasan niya ang potensyal ng pagtatanim ng iba’t ibang pananim na may market demand. Natuto siya kung paano ito i-market at ipagbili, kabilang na ang pagdadala ng kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado tulad ng SM.

Si Rita Soltis kasama ang mga kapwa SM Foundation KSK Farmers.

“Sa KSK, natuto kami ng modern farming, particular sa kainaman ng mechanization para mas mapadali ang trabaho at pagpapatubig. Itong mga ito ay kailangan sa panahon ngayon upang mapalago mo ang iyong sakahan at kabuhayan, at higit sa lahat, hindi ka mahuhuli,” aniya.

Malaki rin umano ang naging papel ni Tatang sa kanyang buhay bilang isang bagong agripreneur: “Itinuro rin sa amin ang life principles ni Mr. Henry Sy, Sr. at nagagamit ko po ito sa pagnenegosyo. Lalo na sa pagtatanim, dapat may hard work at patience dahil mahaba ang proseso mula sa paghahanda, pagtatanim hanggang sa pag-aani. Sabi ni Mr. Sy, ‘Recognize the opportunity.’ Kaya dapat maging matalino at madiskarte ka sa paghahanap ng oportunidad lalo na sa market.”

Kaagapay pa rin ni Rita Soltis ang kanyang kapwa KSK Farmers.

Dagdag pa ng proud SM Foundation farmer: “Natuto kami ng tamang budgeting, pag-iipon ng kita, pagpaplano kung saan-saan ilalaan ang kita, at pagbasa ng demand ng market. Natuto kaming aralin ang diskarte at technique kung sa gulay o palay dapat ilaan ang panahon at pera.” 

Bagong yugto sa pagtatanim

Nang makapagtapos sa KSK noong Oktubre 2023 at nang makatanggap ng TESDA Agricultural Crops Production NC II sa tulong ng programa, kaagad niyang ginamit ang mga natutunan. Nagsimula siya sa pagrenta ng lupain sa kanilang bayan sa Sta. Barbara, Iloilo na tinawag niyang Dorime Garden na may sukat na 2,500 square meters.

Si Rita Soltis na may masaganang ani mula sa kanyang Dorime Garden

Nakapag-employ na rin siya ng mga tauhan kung saan niya binabahagi ang natutunan mula sa KSK upang mas mapangalagaan ang kanyang mga pananim.

Si Rita Soltis at kanyang kaibigan pagkatapos mag-harvest ng mga talong

Bagama’t bago sa pagtatanim ng gulay, nakadaragdag na ito sa kanilang buwanang kita: “Dati, hindi ako kumikita sa pagtatanim ng gulay—for family consumption lang namin. Nito lamang February ay nakapag-harvest kami ng 50 kilos na talong mula sa aming munting sakahan. Ngayon po ay nakakapagbenta na ako at may karagdadang kita na naglalaro sa P3,000 a week.”

Bukod dito, nakapag-expand na rin siya ng market kung saan nakakapagbenta siya ng sariwang gulay sa mall-goers ng SM City Iloilo.

Si Rita Soltis at kanyang kliyente habang ibinebenta ang kanyang mga ani

Nagsisimula pa lamang si Rita ng bagong yugto ng kanyang istorya bilang magsasaka, ngunit marami na siyang plano upang mapalago ito: “Kasabay po ng aming pagtatapos noon ay ang paghahanda ng business proposal. Dito ko po lalong inisip kung ano po ang magiging kinabukasan ng aking taniman. Nagkaroon po ako ng planong kaya kong abutin at mas malinaw na plano kung paano ko po palalaguin ang aking negosyo. Plano ko pong i-expand ang aking farm at mag-hire pa ng empleyado mula sa aming komunidad.”

 


Editor's Note: This press release is paid for by SM Foundation. 


 

vuukle comment

KABALIKAT SA KABUHAYAN FARMERS’ TRAINING PROGRAM

SM FOUNDATION INC.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with