^

Probinsiya

3 magkakapatid patay sa sunog sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 magkakapatid patay sa sunog sa Rizal
Kinilala ang mga biktima na sina Gloria Valera de Silva, 77, may-ari ng bahay; at sina Celerina Valera, 56-anyos at Elvira Valera, 66-anyos; pawang nakatira sa pawang residente ng J.K Bunyi St., Ortigas Avenue Extension sa Barangay Dolores, Taytay, ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay Police Station.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid ang nasawi kabilang ang isang person with disability (PWD) na tinangkang sagipin, matapos silang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Gloria Valera de Silva, 77, may-ari ng bahay; at sina Celerina Valera, 56-anyos at Elvira Valera, 66-anyos; pawang nakatira sa pawang residente ng J.K Bunyi St., Ortigas Avenue Extension sa Barangay Dolores, Taytay, ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay Police Station.

Ayon sa hipag ng mga biktima na si Lorna Valera, nakalabas na umano ng bahay ang dalawa sa mga biktima ngunit nakita nila na hindi pa nailalabas ang kapatid nilang lumpo.

Dahil dito, bigla umanong bumalik sa loob ng bahay ang dalawa upang iligtas sana ang kanilang kapatid ngunit minalas na pawang nakulong ng apoy at masawi.

Dakong alas-9:28 ng gabi nang maideklarang under control ng mga fire officers ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-9:47 ng gabi.

Sa mopping operations, narekober ng mga bumbero ang mga bangkay ng mga biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog habang tinata­yang hindi lalampas sa P350,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinu­pok nito. (May ulat nina Ed Amoroso at Cristina Timbang)

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with