^

Probinsiya

Higit P.1 milyong shabu samsam sa HVI sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Aabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakum­piska ng mga operatiba ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (QPDEU) mula sa isang High Value Individual (HVI) makaraang isagawa ang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Purok Baybayin 1, Barangay Ibabang Dupay ng lungsod na ito.

Nakapiit na ngayon sa lock up jail at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si Reygan Padilla alias “Reygan”, 37 ng Purok Masagana, Barangay Cotta ng nasabi ring lungsod.

Isinagawa ng mga operatiba ng QPDEU sa pamumuno ni PMaj. Milo Tabernilla ang anti-drug operation laban sa suspek dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Nakumpiska buhat sa suspek ang suspected shabu na tumi­timbang ng 25 grams na nagkakahalaga ng P510,000, isang piraso ng P1,000 marked money, 9 na piraso ng P1,000 boodle money at isang Yamaha Mio motorcycle.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with