^

Probinsiya

Bulkang Taal nagluwa ng higit 14K toneladang asupre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal nagluwa ng higit 14K toneladang asupre
Ayon kay director Te­resito Bacolcol ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs), ang paglabas ng asupre sa bulkan ay bahagi ng patuloy na degassing activity mula sa magma chamber ng bulkan.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagluwa ng may 14,211 tonelada ng asupre ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon kay director Te­resito Bacolcol ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs), ang paglabas ng asupre sa bulkan ay bahagi ng patuloy na degassing activity mula sa magma chamber ng bulkan.

Lumikha umano ang pagluwa ng asupre ng masangsang na amoy sa may Barangay Bili­binwang at Banyaga sa Agoncillo, Batangas dulot ng pagpadpad ng hangin mula sa bulkan.

Gayunman, sinabi ni Bacolcol na hindi ito indikasyon na sasabog ang Taal Volcano.

Kaugnay nito, pi­nayuhan ni Bacolcol ang mga taong naninirahan sa Tagaytay na kung lalabas ng tahanan at sa mga pupunta sa Tagaytay na magsuot ng N95 masks kung may volcanic smog o vog  dahil sa asupre at iba pang gases na lumalabas sa bulkan.

Sa nakalipas na 24 oras ay naitala rin ang upwelling ng mainit na volca­nic fluids sa lawa. Mayroon ding pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.

Dulot nito, patuloy na pinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng Taal Volcano Island lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures at pamamalagi sa lawa ng Taal gayundin ay bawal ang pagpapalipad ng anumang aircraft sa may tuktok ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

vuukle comment

VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with