P9 milyong halaga ng marijuana, winasak sa Kalinga
TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Winasak ng mga pinagsanib na pwersa ng awtoridad ang mahigit sa P9 milyon na halaga ng isang plantasyon ng marijuana sa isang lugar sa Tinglayan sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa.
Ayon sa report ng Kalinga Police Provincial Office, nasa 45,000 na fully grown marijuana na nakatanim sa 3,000 square meters na lupain ang binunot at sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit- Kalinga, Regional Intelligence Division ng PNP-Cordillera, Kalinga PPO, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Coast Guard Station-Cagayan at Tinglayan Police.
Bagama’t walang naabutan na cultivator o may-ari ng plantasyon ay naagapan naman ang posibleng pag-ani sa mga iligal na damo at nang hindi na ito maipakalat pa.
Nagpasalamat naman ang pulisya sa mga tip na nakukuha nila sa mga mamamayan para tuluyang mawasak ang mga plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar.
- Latest