^

Probinsiya

Guro kinatay ng lover sa motel  

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Guro kinatay ng lover sa motel   
Nakilala ang biktimang si Arvin Aldover, 26, residente ng Tierra Verde Subd., Pallocan Kanluran, Batangas City at  miyembro  ng LGBTQ  habang nasa kustodiya  naman ng pulisya ang suspek na si Arnel Jarenu, 31, residente ng Sto. Niño, Ibaan, Batangas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Franche-Borja Tinadtad nang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang  guro ng umano’y kanyang karelasyon sa loob ng isang motel noong Linggo sa Taal, Batangas.

Nakilala ang biktimang si Arvin Aldover, 26, residente ng Tierra Verde Subd., Pallocan Kanluran, Batangas City at  miyembro  ng LGBTQ  habang nasa kustodiya  naman ng pulisya ang suspek na si Arnel Jarenu, 31, residente ng Sto. Niño, Ibaan, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-check-in ang dalawa noong Linggo dakong alas-6:40 ng gabi sa Room 7 ng Catherine Lodge Hotel sa nabanggit na barangay.

Nakarinig na lamang  ang  ilang staff ng  ingay at pag-aaway ng  biktima at suspek bandang alas-8:30 ng gabi na nauwi sa pananaksak ng huli sa una.

Agad na tinungo ng mga staff ng motel ang kuwarto  ng biktima at doon nakitang naliligo na ito sa kanyang dugo.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima, nasugatan din ang suspek na indikasyon na nagpambuno ang da­lawa.

Ayon kay Taal Municipal Police Station chief Major Dante Majadas, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang  biktima at suspek na humantong sa krimen.

Tinangka pang tumakas ng suspek ngunit natagpuan  sa madamong bahagi  na may 40 metro ang layo sa motel.

Narekober sa labas ng kwarto ang kulay ­orange na Mitsubishi Strada ng biktima habang sa loob ng kwarto ay nakuha ang isang unit ng iPhone, relo, calculator, 2 piraso na gold necklace, isang gold bracelet, dalawang wallet na laman ay mga IDs, dalawang notebook, isang itim na bag at ang perang nagkakahalaga sa 22,000 pesos.

Napag-alaman na da­lawang taon na umanong magkarelasyon ang da­lawa.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente habang nahaharap sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment

FRANCHE-BORJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with