^

Probinsiya

Lalaki nag-amok dahil sa 'nawawalang dumbbell;' 2 kamag-anak pinatay

Philstar.com
Lalaki nag-amok dahil sa 'nawawalang dumbbell;' 2 kamag-anak pinatay
A member disinfects a dumbbell weights before exercising at the McFIT Studio fitness centre in Cologne, western Germany, early on May 11, 2020, as the place reopened at midnight after the lockdown due to the coronavirus pandemic. The 62 McFIT Studios in North Rhine-Westphalia reopened its doors at midnight for all its members and was one of the first fitness centres to reopen in Germany.
AFP/Ina FASSBENDER

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-ina matapos mabaril ng isang dating criminology instructor na nag-init ang ulo matapos hindi mahanap ang kanyang dumbbell sa Baranggay San Isidro, Talisay City nitong Miyerkules.

Pinangalanan ang suspek bilang si Rogelio Fernandez, 39-anyos, na siyang nagtratrabaho na ngayon bilang isang delivery rider.

Tinukoy ang mga nasawi bilang sina Hilda Fernandez, sister-in-law ni Rogelio, at ang kanyang anak na si Gilbert Fernandez.

Una nang sinabi ni Police Corporal Christopher Lerio, imbestigador sa Talisay City Police Station, na nagwala si Rogelio sa paghahanap ng kanyang weights bago nangyari ang pamamaril.

Matapos nito, pumasok na raw ang suspek sa kanilang bahay at pinaputok ang kanyang .38 revolver. Hindi nakuntento sa nangyari, nagtungo siya diumano sa bahay ng mga in-law at binaril si Hilda sa kanyang dibdib at likuran. Nadamay din dito si Gilbert.

Sinasabing kritikal pa rin ang isa pang biktima na si Irene Fernandez, na noo'y naglalaba. Tinamaan siya sa kanyang likuran.

Nangyari ang pamamaril sa harap ng apat na apo ni Hilda. Nasa limang anyos hanggang pitong anyos ang mga paslit.

Sa paniwala ni Honorato Fernandez, kuya ni Rogelio, maaaring ganoon ang naging asal ng huli matapos ang sunud-sunod na pagkatalo sa sabong.

Sumuko naman agad ang suspek at ngayo'y nasa kulungan na. — James Relativo at may mga ulat mula sa The FREEMAN

vuukle comment

CEBU

DUMBBELL

EXERCISE

TALISAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with