^

Probinsiya

Groom, tinodas bago ang kasal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Groom, tinodas bago ang kasal
Dead-on-the-spot ang biktimang si Kingdom Mangansakan, kagawad ng Brgy. Macasendeg, Cotabato City at anak ni Brgy. Captain Naguib Mangansakan, ng Brgy. Paido Pulangi, Pikit, Cotabato.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa halip na simbahan, sa sementeryo hinatid ng kanyang  pamilya ang isang  barangay official na pinagbabaril hanggang sa mapatay noong Biyernes ng gabi, isang araw bago ang kanyang kasal sa Cotabato City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Kingdom Mangansakan, kagawad ng Brgy. Macasendeg, Cotabato City at anak ni Brgy. Captain Naguib Mangansakan, ng Brgy. Paido Pulangi, Pikit, Cotabato.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:15 ng gabi sa tapat ng isang pharmacy sa parking lot ng Alnor Commercial Complex.

Nabatid na naghahanda ang biktima at mga kasama nito para sa kanyang pagpapakasal sa isang pulis sa pamamagitan ng Islamic rites subalit bigla na lamang itong nilapitan ng mga suspek at pinagbabaril ng  apat na beses.

Tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima.

Nang makitang bumulagta at naliligo sa dugo ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng mga motorsiklo.

Agad namang inili­bing si Mangansakan, kahapon.

Nangangalap na ng iba pang ebidensiya at CCTV footage ang  pulisya upang malaman  ang motibo at sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with