^

Probinsiya

1 patay, 3 sugatan sa nilarong granada!

Roel Pareño, John Unson - Pilipino Star Ngayon
1 patay, 3 sugatan sa nilarong granada!
Sa ulat ni Major Arniel Melocotones, hepe ng Matalam Police Station na ang nasawi sa pagsabog ay nakilalang si Oto Biangan Lalaman dahil sa mga tinamong sugat sa katawan dulot ng shrapnel mula sa granada.
Image by D Alyansyah from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang isang manggagawa ng plantasyon ng tubo habang tatlo pa ang sugatan matapos na matanggal ang pin ng nilalarong Granada at sumabog nitong Huwebes ng gabi sa bayan ng Matalam sa North Cotabato, ayon sa Area Police Command-Western Mindanao (APC).

Sa ulat ni Major Arniel Melocotones, hepe ng Matalam Police Station na ang nasawi sa pagsabog ay nakilalang si Oto Biangan Lalaman dahil sa mga tinamong sugat sa katawan dulot ng shrapnel mula sa granada.

Ayon naman kay Police Col. Richard Verceles, operations chief ng APC-WM, na naganap ang pagsabog dakong alas-9:10 ng gabi sa Purok 8, Barangay Kidama base sa natanggap nilang impormasyon mula kay Barangay Councilor Norhana Salido.

Sa inisyal na ulat, ang pagsabog ng gra­nada ay nag-iwan ng apat na sugatan na kinilalang sina Lamalan, Esmael Landing, Anggara Mangadta at Kentol Macaalay, pawang nasa hustong gulang at resi­dente ng nsabing barangay.

Agad na isinugod ang mga biktima ng kani-kanilang pamilya sa pinakamalapit na ospital upang malapatan ng lunas pero dahil sa matinding sugat at pinsala na inabot ni Lamalan ay idineklara siyang dead on arrival ng sumuring doktor, ayon kay Verceles.

Sinabi pa ni Ver­celes na agad rumes­ponde ang mga police personnel at team ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at kanilang narekober sa blast site ang safety lever MK2 fragmentation grenade na siyang sanhi ng pagsabog.

Lumalabas na isa sa mga biktima ang naglalaro umano ng Granada at aksidente nitong natanggal ang pin na ipinakita pa sa kanyang mga kasamahan sanhi ng pagsabog habang sila ay nasa equipment depot ng sugarcane plantation sa Barangay Kidama.

Hindi pa tinukoy ng pulisya kung sino sa mga biktima ang responsible sa insidente habang inaalam na kung saan nanggaling ang naturang granada.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with