^

Probinsiya

Tatay na wanted sa panghahalay sa anak, nadakip

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Tatay na wanted sa panghahalay sa anak, nadakip
Hindi na nakapalag nang posasan ng mga otoridad bandang alas-4:00 ng hapon sa kanyang pinaglulunggaan sa Barangay Nacpac, Catanauan,Quezon ang akusadong si Melvin Adormeo,35, may-asawa,sales agent at residente ng Barangay Mayao Crossing, Lucena City.
STAR/FIle

CAMP NAKAR, Lucena City - Nalambat ng mga operatiba ng Lucena PNP warrant section ang numero uno sa talaan ng Most Wanted Person sa lungsod dahil sa panggagahasa sa sariling anak na menor-de-edad.

Hindi na nakapalag nang posasan ng mga otoridad bandang alas-4:00 ng hapon sa kanyang pinaglulunggaan sa Barangay Nacpac, Catanauan,Quezon ang akusadong si Melvin Adormeo,35, may-asawa,sales agent at residente ng Barangay Mayao Crossing, Lucena City.

Ayon kay PLt. Col. Reynaldo Reyes, chief of police sa lungsod, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtago sa Catanauan, Quezon ang suspek makaraang pagsamantalahan ang anak na babaeng paslit noong Marso 27, 2022.

Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Aileen Lim ng RTC branch 54 Lucena City, inaresto ang suspek at ipiniit sa lock jail upang harapin ang walang inirekomendang piyansang kasong statutory rape.

vuukle comment

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with