^

Probinsiya

Transgender solon wagi muli sa Bataan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagwagi muli si transgender solon Ge­raldine Roman sa ikatlong termino nito sa 1st District ng lalawigan ng Bataan.

Si Roman ang kaisa-isang kongresista sa Bataan na tumakbo na walang kalaban na nakakuha ng 107, 496 boto sa partial at unofficial na resulta ng bilangan sa Comelec hanggang Mayo 12, 2022 dakong alas-11:17 ng tanghali mula sa 243 Election Returns.

Si Roman ay dating mamamahayag na na­kabase sa Spain na nagbalik sa Pilipinas noong 2012  para alagaan ang maysakit nitong ama at kumandidato sa 1st District ng Bataan noong 2016 sa ilalim ng Liberal Party kapalit ng ina nitong si Hermina Roman.

Matapos makuha ang suporta ng Liberal Party sa unang pagsabak nito sa pulitika sa pagtakbong kongresista noong 2016 ay ito ang kauna-unanahang transgender solon.

Nakipag-alyansa naman si Roman sa ruling PDP–Laban Cusi (Ener­gy Secretary Alfonso Cusi), ang paksyon na kinikilala ni outgoing President Rodrigo Duterte.

vuukle comment

GE­RALDINE ROMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with