^

Probinsiya

Factory worker nalunod sa outing sa resort

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Factory worker nalunod sa outing sa resort

CAVITE, Philippines — Wala nang buhay nang ma­diskubre sa may 8-talampakang lalim na swimming pool ang isang 40-anyos na factory worker sa kasag­sagan ng kanilang summer outing kama­kalawa ng hapon sa isang re­sort sa Brgy. Alulod bayan ng Indang, dito.

Kinilala ang biktima na si Kit Adrian Ma­asim Gabi, 40-anyos, manggagawa ng isang kumpanya at residente ng Purok 1, Brgy. Osorio, Trece Martires City, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Chief Master Sgt. Arnel­ Julian, alas-12:15 ng tanghali nang matag­puan ang katawan ng biktima sa ilalim ng swimming pool ng mga kasamahan nito.

Nabatid na nag-sum­mer outing ang biktima at mga kasamahan niya sa trabaho sa Villa Feliciana Resort, Brgy. Alulod, Indang.

Huling nakitang buhay ang biktima sa inupahan nilang table cottage at umiinom kasama ang mga katrabaho.

Nang magkakainan na umano ng pananghalian, hindi na makita ang biktima hanggang­ sa madiskubre itong nasa 8-feet na lalim na pool.

Agad siyang ni-rescue ng mga lifeguards at itinakbo sa MV Santiago Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

ARNEL­ JULIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with