^

Probinsiya

Pulis opisyal hinoldap ng riding-in-tandem

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Phi­lippine Drug Enforcement Group (PDEG) ng Philippine National Police ang naholdap at naagawan ng baril ng mga hinihina­lang miyembro ng riding-in- tandem robbery holdup group sa Angono,Rizal Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si P/Major Eli Christian Condrado, nakatalaga sa PDEG-Camp Crame, Quezon City.

Batay sa report ng Angono police, nangyari ang holdapan sa madilim na bahagi ng Don Mariano Santos Avenue sakop ng Sitio Labahan, Barangay San Isidro, alas-7:00 ng gabi.

Papauwi na ang opis­yal mula sa duty  sa Camp Crame sakay ng kanyang motorsiklo at pagsapit sa lugar ay napahinto ito dahil sa nagmamaniobrang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang lalaki.

Pero,mula sa likuran ay isa pang motorsiklo na may sakay ding dalawang lalaki ang dumating at kaagad na tinutukan sa likod ng baril ang biktima.

Nagbanta pa umano ang suspek na huwag nang pumalag para hindi ito masaktan.

Sa pamamagitan ng cutter, pinutol naman ng isa pang suspek  ang sling ng body bag ng biktima na naglalaman ng kanyang 9mm service firearm, cash money na nasa P7,000.00, driver’s license at iba pang mga IDs at vaccine card.

Mabilis na tumakas ang apat na suspek patungo sa magkakahiwalay na direksyon.

vuukle comment

CRAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with