^

Probinsiya

Taga-Albay wagi ng P65 milyon sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taga-Albay wagi ng P65 milyon sa lotto
Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 39- 29-09-21-19-20 kaya’t naiuwi nito ang jackpot prize na ?65,991,571.00
Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Nasolo ng isang masuwerteng mananaya mula sa Albay ang ?65 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 39- 29-09-21-19-20 kaya’t naiuwi nito ang jackpot prize na ?65,991,571.00

Ani Garma, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Tabaco City, Albay.

Pinayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong ID.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Nabatid na ito na ang ikaapat na pagkakataon na may naging instant milyonaryo sa lotto games ng PCSO ngayong Enero, 2022.

Noong Enero 6, apat na lucky bettors ang naghati-hati sa ?43 mil­yong jackpot prize ng Regular Lotto 6/42.  Dalawa sa lucky tickets ang nabili sa Makati City; isa sa Guagua, Pampanga; at isa sa Maragondon, Cavite.

Nito namang Enero 14, napanalunan ng mananaya mula sa San Fernando City, La Union ang Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na ?70,258,716.80.

Enero 14 din naman nang maging instant multi-millionaire ang isang taga-Sto. Domingo, Nueva Ecija na nagwagi naman ng jackpot prize na ?20,212,102 sa Mega Lotto 6/45.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with