^

Probinsiya

1 sa 5 missing na mangingisda, lumutang

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Naagnas nang bangkay habang palutang lutang ang isa sa lima pang nawawalang mangingisda mula sa lalawigan ng Catanduanes matapos na matagpuan malapit sa baybayin ng Brgy. Matabao sa bayan ng Batuan, Masbate ka­makalawa ng umaga.

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang biktima na si Melvin Habagay ng Brgy. Danao, Baras, Catanduanes. Natagpuan naman ng ilang ma­ngingisda ang nakataob na bangka ng biktima na may markang “Frenz Gabrielle” sa karagatang sakop ng Capul Island, Samar.

Ayon sa ulat, pasado alas-7 ng umaga nang makita ng ilang mga residente at mangingisda habang palutang-lutang ang bangkay ni Habagay.

Isa sa napagkakilanlan sa bangkay ay ang malaking tattoo nito sa katawan na kanyang pangalang “Melvin”. Idineklara itong nawawala matapos na pumalaot noong Disyembre kasama ang apat na iba pa pero sinalubong ng masungit na panahon at naglalakihang alon ang kanilang bangka sa gitna ng karagatan.

Patuloy pang pinag­hahanap ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard ang mga kasama ni Habagay na sina Ronald Abarle, Dante Torrente, Jovel Torrente at Jerson Asis na pinaniniwalaan ng mga kaanak na buhay pa.

MANGINGISDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with