_ngayon
^

Probinsiya

3 wanted sa ‘rape’ arestado!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines – Arestado ang tatlong rape suspect sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa tatlong bayan sa South Cotabato, iniulat kahapon.

Sa ulat ng South Cotabato Provincial Police, unang nadakip si Arjie Tosol Salan, 27-anyos ng mga elemento ng T’boli Municipal Police dakong alas-8:30 ng umaga kamakalawa sa Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan sa tulong na rin ng mga vigilante sa lugar. Ang suspek ay may kinakaharap na kasong rape sa Regional Trial Court Branch 45 sa bayan ng Surallah.

Hindi rin nakapalag si Carlito Branzuela, Jr., 26, nang arestuhin sa Brgy. Linan, Tupi, South Cotabato ng pinagsanib na puwersa ng San Pablo Police sa Zamboanga del Sur at PNP-Criminal Investigation and Detection Group-9.

Si Branzuela ay nagtatago sa Tupi noon pang 2017 at wanted sa Pagadian City dahil sa kasong panggagahasa at may warrant of arrest na inilabas ni Judge Benjamin Lanzaderas ng Regional Trial Court Branch 22 sa Pagadian City.

Samantala, ang 61-anyos na si Pedro Botil Mahinay na nahaharap din sa kaparehong kaso ay nadakip ng pulisya sa Brgy. Maibo, Tantangan sa bisa of arrest na inisyu ni Presiding Judge Felix Mesa ng RTC Branch 26 sa bayan ng Surallah.

 

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with