_ngayon
^

Probinsiya

Tserman itinumba sa barangay hall!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Tserman itinumba sa barangay hall!
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pandag Police, pasado alas-4:00 ng hapon habang nasa loob ng kanyang opisina si Mamalinta nang biglang pasukin ng di kilalang gunman at walang kaabug-abog na pinagbabaril.
STAR/ File

MAGUINDANAO, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang punong barangay matapos na pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang gunman habang nasa loob ng barangay hall sa Barangay Pandag, Pandag ng lalawigang ito, Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Chairman Guimaludin Mamalinta, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pandag Police, pasado alas-4:00 ng hapon habang nasa loob ng kanyang opisina si Mamalinta nang biglang pasukin ng di kilalang gunman at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang kapitan na naging sanhi ng agaran nitong kamata­yan habang tumakas ang suspek sakay ng service vehicle nito sa hindi malamang direksyon.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika o personal ang motibo sa brutal na pagpatay sa nasabing tserman.

DEAD-ON-THE-SPOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with