^

Probinsiya

Lider ng NPA, 1 pa dedo sa Tarlac

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Lider ng NPA, 1 pa dedo sa Tarlac
Kinilala ni Brig. Gen. Andrew Costelo, commander 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang mga nasawing rebelde na sina Neptali Santos na may mga alyas na “Atong”, “Allen”, “Peter”, “Kalbo” at “Jason”, executive committee officer ng Komiteng Rehiyon-Gitnang Luzon (KR-GL), at isang alyas “Sandy” na miyembro rin ng KLG-TARZAM, KR-GL.
Interaksyon/ File

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija , Philippines, Philippines — Isang lider ng teroristang New People’s Army (NPA) at isa pa nilang kasapi ang patay matapos makipagpalitan umano ng putok sa mga awtoridad sa Barangay San Juan de Mata, Tarlac City, Tarlac kamakalawa.

Kinilala ni Brig. Gen. Andrew Costelo, commander 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang mga nasawing rebelde na sina Neptali Santos na may mga alyas na “Atong”, “Allen”, “Peter”, “Kalbo” at “Jason”, executive committee officer ng Komiteng Rehiyon-Gitnang Luzon (KR-GL), at isang alyas “Sandy” na miyembro rin ng KLG-TARZAM, KR-GL.

Sinabi ni Costelo na si Santos ay nahaharap sa patung-patong na kaso tulad ng arson sa Tarlac habang two counts ng murder at multiple frustrated murder  naman ang kinahaharap nito sa Baler, Aurora.

Ayon sa ulat, nasawi ang dalawang rebelde matapos paputukan ang pinagsanib na puwersa ng PNP at Army na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban kay Santos na nagresulta ng palitan ng putok.

Narekober sa encounter site ang 1- M16 rifle; dalawang hand grenade; tatlong magazine para sa M16; isang cal. 38; 11  bala ng cal. 38; 62 bala ng M16, iba pang personal na kagamitan at mga subersibong dokumento. 

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with