^

Probinsiya

PNP checkpoints hinigpitan papasok ng Taal

Doris Franche, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
PNP checkpoints hinigpitan papasok ng Taal
Ayon kay Lito Castro, hepe ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nagdagdag na ng mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa mga checkpoints upang maiwasan ang pagbalik ng mga residente sa kani-kanilang mga inabandonang bahay habang nananatili pa ang banta na magkaroon ng malakas na pagsabog sa bulkan.
The STAR/Michael Varcas

Mga residenteng lumikas, bawal munang bumalik

BATANGAS , Philippines — Pinaigting pa ng mga otoridad ang pagbabantay sa mga checkpoints papasok at palabas ng mga barangay na apektado ng Taal volcano eruption.

Ayon kay Lito Castro, hepe ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nagdagdag na ng mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa mga checkpoints upang maiwasan ang pagbalik ng mga residente sa kani-kanilang mga inabandonang bahay habang nananatili pa ang banta na magkaroon ng malakas na pagsabog sa bulkan.

Matatandaang nagkaroon ng pagsabog at pagbuga ng usok at sulfuric gas ang Taal volcano noong Huwebes ng hapon kung saan iniakyat ang alert level 2 sa alert level 3.

“Minomonitor din namin ang ilang evacuees na nagtungo sa kalapit probinsya ng Laguna at Cavite pati na ang mga nakituloy sa mga bahay ng kanilang mga kamag-anak para maisama sila sa aming datos,” ani Castro.

Sa pahayag naman ni PNP chief Director General Guillermo Eleazar, nakapagtalaga na sila ng may 946 personnel sa iba’t ibang lugar sa Batangas kabilang na ang 47 mula sa Armed Forces of the Pilippines (AFP), 60 mula sa Bureau of Fire (BFP) at 27 personnel mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

“Nauunawaan namin ang hirap ng sitwasyon ng ating mga kababayan na napilitang lumikas sa panahon pa mismo ng pandemya. Pero kailangan nating mag-ingat at makakaasa kayo na ang inyong PNP ay tutugon dito,” ani PGen Eleazar.

Pinaalala rin ni Gen. Eleazar ang pagpapatupad ng health protocols sa mga evacuation area para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“I have already directed the Commander, JTF COVID Shield and the RD, PRO4A to set up Police Assistance Desks in all the evacuation centers in Batangas to ensure that their security and health safety are assured 24/7,” ani Gen Eleazar.

“Kasama dito ang pag-designate ng COVID-19 protocol officer na makikipagtulungan sa local health office at LGU upang hangga’t maari ay matiyak na napapatupad ang minimum public health safety protocol sa mga evacuation centers,” dagdag ng PNP chief.

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with