^

Probinsiya

4 miyembro ng pamilya, minasaker

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
4 miyembro ng pamilya, minasaker
Kinilala ang mga nasawing sina Jocelyn Nombre; Gemma Espinosa; Michael Espinosa; at ang anim na taong gulang na bata na hindi na pinangalanan na pina­niniwalaang tatlong araw nang mga patay bago ito mares­pondehan ng mga pulis nang mag-report ang mga kaanak.
STAR/ File

BACOLOD CITY, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya ang pinagpapatay ng hindi pa kilalang mga suspek sa Barangay Tangub, ng lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawing sina Jocelyn Nombre; Gemma Espinosa; Michael Espinosa; at ang anim na taong gulang na bata na hindi na pinangalanan na pina­niniwalaang tatlong araw nang mga patay bago ito mares­pondehan ng mga pulis nang mag-report ang mga kaanak.

Ang mga bangkay­ ng mga biktima ay mag­­kakahiwalay na natag­puan sa loob ng kani­lang tahanan.

Ayon kay Bacolod City Police Station 8 Commander Police Major Joery Puerto may mga tama sa ulo ang mga biktima.

Ginupit pa umano ang buhok ng isang bik­tima na indikasyong may malalim na galit ang gumawa nito.

Ani, Puerto na wa­lang senyales ng puwer­sahang pagpasok sa bahay at wala ring na­walang gamit, indikas­yon na maaring kilala ng mga biktima ang suspek.

Hinala ng pulisya na posibleng higit sa isa ang suspek. Mayroon nang person of interest ang pulisya.

GEMMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user