^
14 timbog sa âsextortion denâ
Ayon kay Police Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, nagsasagawa ng buy-bust operation sina Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, nang takbuhan sila ng naarestong drug suspect na si Ronnie Wagan, alyas ‘Onnie’ at nagtago sa isang apartment unit doon na nadiskubre na isa palang ‘sextortion den’.
STAR/KJ Rosales, file

14 timbog sa ‘sextortion den’

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines —  Dahil sa pagtakas at pagtago ng isang drug pusher sa isinaga­wang buy-bust operation ay aksidenteng nadiskubre ng pulisya ang isang aparment sa Barangay Abar 1st, na ginawang “sextortion den” na nagresulta sa pagkakaaresto ng 14 na kalalakihang trabahador doon,kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, nagsasagawa ng buy-bust operation sina Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, nang takbuhan sila ng naarestong drug suspect na si Ronnie Wagan, alyas ‘Onnie’ at nagtago sa isang apartment unit doon na nadiskubre na isa palang ‘sextortion den’.

Dahil dito inaresto ang mga suspek na nagtatrabaho doon na sina Emmanuel Claudio, 31; Darren Zabala, 28; Mark Roxas, 30; Jomari Robles, 22; Gerald Villamor, 28; Richard Bryan dela Cruz, 35; Andrew Robles, 25; Christian Libunao, 30; Cristiano Juntino, 22; Jerome de Leon, 27; Alfredo dela Cruz, 31; Roberto Revillo, 18; Mark Anthony Castillo, 23; Michael Jolo Palma, 20.

Habang nakatakas umano ang itinuturong may-ari at operator nito na si Allan Coloma.

Kinumpiska rin ang iba’t-ibang equipment na gamit sa ilegal na gawain ng mga ito na kinabibilangan ng 18 computer monitors, 17 CPUs, 17 mouses, 17 keyboards, 1 router at 1 modem.

Napag-alaman na ang modus umano ng grupo ay magpapadala sila ng pornographic materials at website links sa kanilang mga kliyente at kalaunan ay tatakutin umanong ila­lantad ang kanilang pagkakakilanlan kung hindi sila magbabayad ng halagang hinihingi sa kanila.

JAIME SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with