^

Probinsiya

4 BIFF utas sa tangkang pananabotahe

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines — Napigilan ng 6th Infantry (Redskin) Battalion ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division ang tangkang karahasan ng Bangsa­moro Islamic Freedom Frighters (BIFF) nang apat sa mga kasapi nito ang napatay sa engkuwentro sa isang komunidad ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kamakalawa.

Ayon sa report, nakasagupa ng 6IB at 23rd Mechanized Company bandang alas-2 ng madaling araw, ang mga elemento ng bandidong BIFF-Karialan Faction matapos nilang tangkang sunugin ang mga kabahayan sa komunidad ng Sitio Gadong, Brgy. Pagatin 1, Sha­riff Saydona Mustapha. Tumagal ng tatlong oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng apat at pagkasugat ng dalawang miyembro ng terroristang grupo. “Sa loob ng panahon na ‘yon, nagawa nilang sunugin ang isang pamamahay ng isang residente doon,” ayon kay Lt. Col. Banaag.

Sinabi naman ni 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade Commander Col. Pedro Balisi Jr., narekober nila ang 10 improvised hand thrown grenade sa lugar. Agad naman itong dinis-arma ng Explosive Or­dinance Disposal Team.

“Trademark ng mga te­roristang grupo ang narekober naming mga explosive materials,” ayon kay Col. Balisi Jr.  

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with