^

Probinsiya

Pulis nalaglag sa motor, napisak ng van

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pulis nalaglag sa motor, napisak ng van
Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang ng si P/SMS Ronnie Lacay, 46, at nakadestino sa PSG, residente ng PSG-SRU Malacañang Park San Miguel, Manila.
STAR/File

GEN.TRIAS CITY, Cavite, Philippines — Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang pulis matapos masagasaan ang ulo nito ng isang van nang malalag sa minamanehong motor sa kahabaan ng Arnaldo Hi-way, Brgy. Santiago ng nasabing bayan, kama­kalawa ng hapon.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang ng si P/SMS Ronnie Lacay, 46, at nakadestino sa PSG, residente ng PSG-SRU Malacañang Park San Miguel, Manila.

Ang suspek ay nakilalang si Richardson Loyloy, 51-anyos, salesman,residente ng Blk 02 Lot 64 Nichols St.KS 12 Lancaster Subd, Brgy. Santiago ng nasabing bayan.

Sa imbestigayon ni PSMS HJ Casauran, may hawak ng kaso, alas-2:30 ng hapon, bumabagtas ang biktima sa Arnaldo Hi-way Brgy. Santiago sakay ng kaniyang Yamaha Mio (MV File no. 1303-0350135) nang malubak sa bahagi ng kalsada na under construction, dahilan na nawalan ito ng buwelo at tuluyang sumemplang at nalaglag.

Tiyempo namang paparating ang kasunod nitong Hino aluminum van color white (NGM 1055) na minamaneho ni Loyloy at hindi na nito naiwasan ang biktima at tuluyan nasagasaan ang ulo.

Ang suspek ay nakatakdang kasuhan ng criminal.

vuukle comment

PATAY

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with