^

Probinsiya

No. 2 most wanted todas sa raid

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG,  Quezon, Philippines — Bulagta ang itinuturing na “Number 2 Most Wanted Person” sa Region 4A ­(Calabarzon) makaraang makipagbarilan umano sa mga awtoridad na aaresto sa kanya dahil sa kasong murder kamakalawa ng gabi sa Barangay Del Rosario sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Col. Audie Madrideo, Quezon Police director, nakilala ang napaslang na si Alvin Razon Punzalan,  46, may asawa,  residente ng nasabing lugar na itinuturing din na high value individual at kabilang sa Metro Manila drug group.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:15 ng gabi bitbit ang warrant of arrest nang sa­lakayin ng joint ­operatives ng Regional Intelligence Division (RID) 4A, Regional Special Operations Unit ( RSOU) 4A, Regio­nal Drug Enforcement Unit (RDEU)-4A, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Batangas Police Provincial Office (BPPO), Army Intelligence Unit at Tiaong Police. Ang pinagtataguan ng natu­rang wanted person sa nasabing lugar

Nang dumating sa lugar ang raiding team at bago pa man maisilbi ng mga ­operatiba ang warrant of arrest sa suspek ay agad na umano siyang nagpaputok ng baril ng makailang beses sanhi ng shootout na kanyang ikinabulagta sa lugar.

Narekober sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang caliber 45 (1911) at anim na basyo ng bala ng nabanggit na baril.

vuukle comment

RID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with