^

Probinsiya

Mister binoga sa tapat ng bahay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang mister ng isang public school assis­tant principal nang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang naglilinis sa tapat ng kanilang bahay sa Purok Pag-asa, Brgy. San Jose, Koronadal City, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Roquito “Onyot” Dalmacio Jr., 52, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang bumaril kay Dalmacio, alas-7:30 ng umaga.

Agad namang tumakas ang mga suspek na kapwa naka-bonet matapos matiyak na wala nang buhay ang target.

Inihayag naman ni Miguel “Otong” Dalmacio, kapatid ng biktima na hindi nito malaman kung ano ang motibo sa pamamaril.

Napag-alaman na, nagwawalis sa daan sa harapan mismo ng tahanan nito si Dalmacio nang mangyari ang pamamaslan.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga otoridad sa naturang krimen.

vuukle comment

PATAY

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with