Kasera kinatay ng tenant
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

RIZAL, Philippines — Patay ang isang landlord makaraang pagsasaksakin ng kanyang tenant na sinisingil niya sa tatlong buwang utang sa renta ng bahay sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Florentino Umandak, nasa hustong gulang, ma­tapos na pagsasaksakin ng tumakas na suspek na si Joel Fernandez.

Sa imbestigasyon, dakong ala-6:00 ng gabi  nang maganap ang kri-men sa pinauupahang bahay sa Brgy. Cupang, Antipolo City.

Nauna rito, pinuntahan ni Umandak ang suspek sa tahanan nito at sinisingil sa tatlong buwang utang sa renta ng bahay. Bigo naman umanong makapagba-yad ang suspek na ikinagalit ng biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Sa galit ng suspek, pumasok siya sa inuupahang bahay at pagbalik ay armado na ng patalim saka pinagsasaksak ang nabiglang kasera.

KASERA PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with