^

Probinsiya

2 rebelde utas sa encounter

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawang hinihinalang mi­yembro ng New People’s Army ang patay matapos makaengkwentro ng mga sundalo sa bu­lu­bunduking lugar ng Brgy. Taopon sa ba­yan ng Panganiban, Catan­duanes kahapon ng madaling araw.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga rebelde na ibinaba na sa bayan para sa kanilang pagkakakilanlan.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw habang nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalong kasapi ng 83rd Infantry Battalion, 9th Infantry Division ng Philippine Army sa pangunguna ni Lt. William Hiponia nang makasalubong nila sa bulubunduking lugar ng barangay ang pitong rebelde.

Agad na nagkapalitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng 10 minuto.

Dahil sa talo sa puwersa, uma­tras ang mga rebelde at iniwan ang dalawang patay nilang kasama.

Nakuha sa lugar ng eng­kwentro ang ilang personal na mga gamit ng mga rebelde at AR15-Assault rifle. Gemma Garcia

vuukle comment

UTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with