^

Probinsiya

Titser, 5-anyos anak patay sa tandem!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Titser, 5-anyos anak patay sa tandem!

MANILA, Philippines — Isang guro na idina­dawit sa investment scam at 5-anyos na anak ang kapwa patay matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ang mag-ama ng kotse sa harap mismo ng kanilang bahay sa Purok Abrenica, Barangay GPS, Koronadal City, South Cotabato nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Bryan Togo­non, 31-anyos, coordinator umano ng isang investment company at paslit na anak na si Niccolo na kapwa isinugod sa pagamutan matapos ang krimen pasado alas-7:00 ng gabi pero parehong hindi na umabot nang buhay.

Ayon kay P/Lt. Col. Joe­fel Siason, hepe ng Koronadal City Police Station, nahirapan ang pulisya na matukoy ang mga suspek dahil may takip ang kanilang mga mukha.

Lumalabas sa imbestigasyon na bumili lang ng ga­tas ang mag-ama sa sen­tro ng lungsod nang sun­­dan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay GPS saka sila pinagbabaril bago makapasok sa kanilang tahanan. 

Sinabi ni Siason na tini­tingnan ngayon ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman ang krimen sa mga investment scheme dahil nagsilbi umanong coordinator ng investment company si Bryan na maaaring hinahabol ng mga investors.

Nabatid na lumapit na noon ang biktima sa Koronadal City Police para humingi ng tulong matapos makatanggap umano ng pagbabanta kaugnay sa investment scheme.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with