^

Probinsiya

2 museo ng NHCP binuksan para sa mga bulag

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pwede nang makapasyal sa dalawang museo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na nasa Bulacan ang mga bulag.

Ito’y matapos makabitan ng mga braille ang panguna­hing mga detalye ng eksibisyon na matatagpuan sa Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas sa Casa Real de Malolos at sa Museo ni Marcelo H. Del Pilar na nasa bayan ng Bulakan.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng isang public-private partnership sa pagitan ng NHCP, Rotary Club of San Juan del Monte at ng Touch the Artists Vision sa ilalim ng programang Inside-Out Museum Unboxed Exhibit. Ayon kay Nett Jimenez, curator ng Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas ng NHCP, magandang pagkakataon ito para sa mga bulag, lalo na ang mga kabataang ipina­nganak na bulag na.

Ito ay upang maging ang mga ganitong may kapansanan ay magkaroon din ng pagkakataon na matuto at makapagpahalaga sa kasaysayan ng bansa. Kauna-unahang bulag na nagkaroon ng pagkakataon na makabisita sa nasabing museo ay si Harvee Quirioso, ng Marcelo H. Del Pilar Memorial School sa Bulakan, Bulacan. Naipasyal si Quirioso sa Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghipo nito sa mga inilagay na braille sa bawat larawan ng 16 na mga dati at kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.

Makakapa ng isang bu­lag sa alpabetong braille ang isinasaad ng mga detalye ng mga prog­rama at proyektong isinakatuparan sa panahon ng pa­nunungkulan ng mga pangulo. Maging ang wangis ng isang pangulo ay kanya ring nakapa, gaya ng estilo ng buhok, kung may bigote o nunal man.

vuukle comment

BULAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with