Xander Bay
Rapper ‘Xander Bay’ tiklo sa droga
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Isang sikat na rap artist ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region III sa Friendship Hi-way, Brgy. Cutcut, ng lungsod noong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat sa tanggapan ni PDEA-3 Director Gil Pabilona, kinilala ang suspek na si Arnly Dimabuyu alyas “Xander Bay”, 21, na isa ring blogger at YouTube sensation.

Ayon kay Pabilona, si Xander Bay na nagtatrabaho bilang rapper ay nagbebenta ng party drugs sa party ng kanyang mga followers.

Nasamsam sa suspek ang 5 gramo ng ma­rijuana, 9 na kulay pink na ecstasy pills na may street value na P15,900.00 at marked money na ginamit sa buy-bust.

Pormal nang kinasuhan ang rapper dahil sa pagbebenta at pag-iingat ng illegal na droga o paglabag sa Section 5 at Section 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

XANDER BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with