^
Kagawad itinumba sa sayawan
Sanhi ng tama ng punglo sa likurang bahagi ng ulo, agad na binawian ng buhay ang biktimang si Ronald Abetria, may-asawa, residente at barangay kagawad ng nasabing lugar.
Miguel de Guzman

Kagawad itinumba sa sayawan

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 49-anyos na kagawad ng barangay matapos barilin sa ulo habang nanonood ng sayawan sa loob ng parke ng Brgy.San Rafael sa bayan ng Donsol, Sorsogon kamakalawa ng hatinggabi.

Sanhi ng tama ng punglo sa likurang bahagi ng ulo, agad na binawian ng buhay ang biktimang si Ronald Abetria, may-asawa, residente at barangay kagawad ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:50 ng hatinggabi nakaupo ang biktima habang nanonood ng ginagawang benefit dance sa plaza ng kanilang barangay nang lapitan ng hindi nakila­lang lalaki mula sa kanyang likuran at binaril sa ulo.

Duguang bumulagta ang konsehal habang tumakas ang suspek at humalo sa nagtakbuhang mga nanonood na mga residente makaraang magkagulo dahil sa pamamaril.

Agad isinugod sa Donsol District Hospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at pagkaka­kilanlan ng suspek habang nakuha sa lugar ng insidente ang isang basyo ng bala mula ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with