^

Probinsiya

Rice mill operator kisay sa kuryente

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Patay ang isang operator ng rolling rice mill matapos mangisay nang aksidenteng madikit ang isang bahagi ng gilingan sa live wire ng isang bahay sa Brgy. Plaridel, bayan ng Llanera, sa lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Paulino J. Garcia Medical Center sa Cabanatuan City ang biktimang si Mhervin Sibuma, 34-anyos, may asawa, residente ng naturang barangay.

Ayon sa pulisya, ban­dang alas-5:45 ng umaga noong Huwebes, magkasama ang biktima at ang kapwa ope­rator at may-ari ng naturang rolling rice mill o mas kilala sa tawag na rolling cono, na si Rodel Ignacio nang mangyari ang insi­dente.

Nabatid nang pindutin umano ng biktima ang ‘start button’ ng naturang makina ay aksidenteng nadikit umano ito sa live wire dahilan upang makuryente ito.

vuukle comment

ELECTROCUTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with